Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Mga Naka-syndicate na Gadget para sa Mga Webmaster
Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng gadget sa iyong site o pagganap bilang namamagitang
tagapamahagi ng mga gadget, sumasang-ayon ka na sumailalim sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google at sa mga
karagdagang tuntuning ito:
- Ang mga gadget na ginagawang available ng Google para sa pag-syndicate ay maaaring
gamitin nang pangkomersyo sa isang paraang nakaayon sa batas at sa anumang mga limitasyon o
tuntunin ng paggamit na sinu-supply ng mga developer ng mga gadget. Narito ang mga limitasyon sa paggamit para sa mga gadget na nilikha mismo
ng Google.
- Sumasang-ayon ka na hindi baguhin o alisin ang teksto at link na “mga gadget na
pinapagana ng Google” o ang button na “+Google” o iba pang pampromosyong teksto o mga
larawan na ibinibigay ng Google na may code ng gadget. Kung nagpapakita ang iyong site ng
listahan o direktoryo ng mga gadget, dapat kang magbigay ng pagpapatungkol na tumutukoy ng
mga gadget. Nauunawaan mo at sumasang-ayon ka na pinapanatili ng Google ang pagpipiliang
palitan ang button na “+Google” ng nilalaman, kabilang ang pang-advertising o pampromosyong
nilalaman, na sumasakop sa parehong puwang at posisyon sa iyong pahina kapag ipinapakita mo
ang gadget.
- Nauunawaan mo na ibinibigay ang karamihan ng gadget ng mga third party na developer,
hindi ng Google, at na walang pananagutan ang Google para sa nilalaman o pagganap ng mga
gadget. Pupunta sa mga developer ng mga gadget ang mga data na inilalagay sa mga gadget na
ito – hindi sa Google. Maaaring huminto sa pagiging available ang mga gadget sa paghuhusga
ng mga developer ng mga gadget.
- Sumasailalim sa Patakaran sa Privacy
ng Google ang mga serbisyo ng Google sa paggawang available sa mga gadget. Sakop ng mga
patakaran sa privacy ng mga provider nito ang mga indibidwal na gadget. Kapag tiningnan ang
pahina kung saan lumilitaw ang isang gadget, ipinapadala ang isang kahilingan sa mga server
ng Google na kinabibilangan ng URL ng gadget at ng mga kagustuhan sa gadget na pinili, pati
na rin ng URL ng pahina.
- Maaaring baguhin ng Google ang mga teknikal na proseso nito para sa pag-render ng mga
gadget sa paghuhusga nito, at maaaring huminto sa paghahatid ng isang gadget kung lumalabag
ang gadget sa batas o sa mga patakaran ng Google, o sa paghuhusga ng Google. Sumasang-ayon
ka na aalisin mo ang isang gadget mula sa iyong site o direktoryo kung malaman mo na
lumalabag ang gadget sa copyright o anumang iba pang batas, o kung mag-notify sa iyo ang
Google na lumalabag ang gadget sa mga patakaran ng Google.
- Sa pamamagitan ng pagbibigay sa gadget, hindi nag-eendorso o kung hindi man ay
ina-affiliate ng Google ang sarili nito sa iyong webpage. Hindi mo maaaring ipakita ang
gadget sa isang paraang nagpapahiwatig ng naturang pag-eendorso o affiliation.
- Hindi mo maaaring ipakita ang gadget sa isang site na may nilalamang pornograpiko; na
nagpo-promote o nagpapahayag ng poot o karahasan; na nananalakay ng mga personal na
karapatan kabilang ang mga karapatan sa privacy; na lumalabag sa anumang batas kabilang ang
mga batas sa intelektwal na ari-arian; o na nanghihimasok sa pagpapagana ng iba pang mga
webpage.
- Sa kaganapan ng isang legal na claim laban sa Google na nagreresulta mula sa iyong
paggamit sa mga naka-syndicate na gadget, sumasang-ayon ka na magbayad ng danyos sa Google
para sa lahat ng sagutin at gastos na naipon bilang resulta ng claim na iyon.
- Maaari kang gumanap bilang tagapamagitan, na nag-aalok ng mga gadget para sa
pag-syndicate sa mga web page na kinokontrol ng mga third party na developer. Kung gagawin
mo ito, dapat mong bigyan ang mga third party na developer ng Mga Tuntunin ng Serbisyo na
ito nang sa gayon ay alam nila ang kanilang mga obligasyon sa pangongontrata sa Google.
Hindi mo maaaring iistraktura ang iyong serbisyo upang huwag hikayatin ang pagsunod sa Mga
Tuntuning ito.
Maaaring baguhin ng Google ang mga tuntuning ito anumang oras sa sarili nitong paghuhusga.
Inilalaan namin ang karapatang wakasan ang kontratang ito at ang iyong paggamit sa mga
gadget anumang oras sa aming sariling paghuhusga, kabilang ang batay sa paglabag sa
kasunduang ito. Iwinawaksi namin ang anumang mga pahiwatig o ipinahiwatig na warranty na
kaugnay ng mga gadget.