Napupunta sa iGoogle ang isa sa bawat limang view sa Google homepage sa Estados Unidos. Maaari mong i-post ang button na “Idagdag sa Google” sa iyong website upang himukin ang mga bisita na idagdag ang pipiliin mong nilalaman sa iGoogle at tingnan ang iyong mga item sa tuwing bibisita sila sa Google homepage.
Binibigyang-daan ka ng button na “Idagdag sa Google” na i-promote ang anumang nilalamang pipiliin mo, kabilang ang mga interactive na application, feed, at link sa iyong sariling website, sa pamamagitan ng pagpapadali para sa mga user na mabilisan itong idagdag sa kanilang pahina ng iGoogle. Hangga't pinapanatili ng mga user ang iyong nilalaman sa kanilang pahina ng iGoogle, maaaring lumitaw ang iyong mga item sa kanila sa tuwing bibisitahin nila ang iGoogle. Awtomatikong nakikita ng mga aktibong user ng iGoogle ang iGoogle sa tuwing binibisita nila ang Google.com, kaya maaaring makahimok ng maraming trapiko pabalik sa iyo ang mga sikat na feed/gadget na nagli-link pabalik sa iyong website paglipas ng panahon.
Gamitin ang form upang likhain ang HTML para sa iyong site. Tiyaking pumunta sa tamang seksyon para sa alinman sa iyong feed o gadget. Ilagay lang ang URL para sa iyong feed o gadget, i-click ang "Likhain ang HTML" at kopyahin at i-paste ang nagreresultang teksto sa iyong website.
Bukod pa rito, kung gugustuhin mong mag-promote ng mahigit sa isang gadget o feed, maaari mong piliin ang opsyong “Marami.” Binibigyang-daan ka ng pagpipiliang ito na bumuo ng bagong tab sa iGoogle na maglalaman ng iyong mga gadget at/o feed.
Pinapadali ng karamihan ng serbisyo sa pagho-host ng blog na lumikha ng feed. Tingnan ang nilalaman ng tulong ng mga site na iyon para sa higit pang impormasyon (hal., Blogger, LiveJournal, o Typepad). Maaari ka ring lumikha ng mga custom na feed gamit ang Google News at Google Groups. Kung hino-host mo ang iyong sariling website, may maraming mapagkukunan sa web na makakatulong sa iyo na makapagsimula sa paglikha ng mga feed, gaya ng gabay na ito ni Danny Sullivan.
May mga thumbnail ang karamihan ng gadget na ipinapakita sa Direktoryo ng Google na nauugnay sa mga ito na naglalarawan sa kung ano ang ginagawa ng gadget. Maaari kang tumukoy ng thumbnail sa iyong feed. Ang mga iminumungkahing dimensyon para sa mga thumbnail ay 120 pixels na lapad by 60 pixels na taas. Idina-download ng Google ang larawang ito, sinusukat sa 120x60, dinaragdagan ng padding kung kinakailangan, at para sa pagganap at pagiging maaasahan, nire-re-host ang larawan sa isang server ng google.com.
Maaaring mag-iba-iba ang syntax depende sa uri ng format ng feed na iyong ginagamit. Narito ang isang halimbawa ng kung paano mo maaaring isama ang impormasyon ng thumbnail sa isang RSS feed:
<?xml version="1.0"?>
<rss version="0.92">
<channel>
<!-- The title is used in various places in the directory and Personalized Homepage
to help users. Please keep the title as short as possible. -->
<title>Test Feed</title>
<!-- The link is used in the Personalized Homepage title-bar, to link to your site -->
<link>http://www.google.com/</link>
<!-- The description is used in the detail page about your feed -->
<description>A nice long description of your feed.</description>
<!-- …other channel sub-elements may go here, e.g. ttl… -->
<image>
<url>http://www.google.com/ig/gadgets/sticky-thm.png</url>
<!-- …other image sub-elements may go here, e.g. width… -->
</image>
<item>
<title>RSS Item title #1</title>
<link>http://www.google.com/</link>
<!-- …other item sub-elements may go here, e.g. description… -->
</item>
<!-- …more items… -->
</channel>
</rss>
Narito ang isang halimbawa para sa Atom:
<?xml version="1.0" encoding="UTF-8" standalone="yes"?>
<?xml-stylesheet href="http://www.blogger.com/styles/atom.css"
type="text/css"?>
<feed xmlns="http://purl.org/atom/ns#" version="0.3" xml:lang="en-US">
<title mode="escaped" type="text/html">Test feed</title>
<tagline mode="escaped" type="text/html">A nice long description of your feed.</tagline>
<logo>http://www.google.com/ig/gadgets/sticky-thm.png</logo>
<!-- other feed sub-elements, including id, links, etc. -->
<entry xmlns="http://purl.org/atom/ns#">
<!-- …item elements… -->
</entry>
<!-- …other items… -->
</feed>
Maraming sikat na format ng feed diyan. Sa kasalukuyan, sinusuportahan namin ang Atom (0.3 at 1.0) at RSS (0.91, 0.92, 1.0, at 2.0).
Kung mayroon ka pang mga karagdagang tanong o kailangan ng tulong sa paglalagay ng button na “Idagdag sa Google” sa iyong pahina, mangyaring makipag-ugnay sa amin.